Thursday, August 18, 2011

HOME SWEET HOME!


May mga taong gusto lang nilang magkaroon ng tunay na kaibigan, kahit isa, o mga tatlo, o lima, o higit pa. Ang gusto nila, sa natural na paraan... ang tanggapin kung sino sila. Tulad ko, ang gusto ko lng naman ay mapabilang sa mga taong tanggap nila kung sino ako, kung anong mayroon ako, kung anong magagawa't maitutulong ko, kung ano ang mga gusto't hilig ko, 'yung mga ayaw ko, mga weaknesses and strengths ko, at sa kung anong paraan gusto kong panghawakan ang buhay ko. 'Yung mga taong kayang makinig at respetuhin ang mga opinyon at saloobin ko. Pero, bakit ba may mga taong kakaibiganin at aalalayan ka dahil alam nilang nakikinabang sila sa'yo? Friends with benefits? 'Yung iba naman, kailangan pang makibagay para maipagsiksikan ang sarili nlia... kahit na alam nilang wala na silang lulugaran pa? We do have our own individual differences.. and forever will be! kaya nga gano'n so that we may be able to learn how to face and accept every single creature above the earth. Some times in life, may mga bagay na mahirap ma-imagine pero nangyayari, meron naman, no matter how possible things may happen, hindi talaga magawang mangyari... Na kahit gaano ka magpakabait at magpaka-utu-uto sa kanila, iniiwasan at iniiwan ka. Well, that's life, we just have to accept the fact that some things can never be and that we should be contented as things as they are. Besides, wala nang hihigit pa sa saya at kalingang nabibigay sa'yo ng pamilya mo. Hindi nasusukat ang saya at satisfaction sa dami ng kaibigan sa loob ng school o sa labas ng bahay. There is no other place that is sweeter and safer than home. :)


No comments:

Post a Comment